EarnBitcoin

Tuesday, November 25, 2014

How To Take Care Of Your Computers




May PC ka ba? Laptop or Desktop? Ikaw ba eh madalas gumamit ng computer at parang nakadepende kana dito? Mapatrabaho, school, gaming, chatting, video calling sa love ones o Facebook lang eh para sayo nga ito! Hali na kayo at alamin ang tamang pangangalaga sa mga computer nyo. 


Ang artikulo kong ito eh, para sa mga concerns ng mismong computer, as in yung bakal! yung puwedeng ibenta sa mambabakal (biro lang). Kapag sinabi ko pong physical computer, ito yung nakikita nyo na may components at may parts. Pero kung ang concern mo at gusto mong malaman papaano pangalagaan ang nasa loob o yung OS (Operating System), sa paksang "PC Maintenance 101: The Best Ways To Prevent Computer Problems and Viruses" ka magbasa.


linux4beginnersph basic linux training tagalog dijae

So para masimulan na natin, sundan nyo sa ibaba ang mga dapat gawin para mapangalagaan ang physical computer mo.


image: latestlaptop.biz


1. Una ay dapat malaman mo ang differences ng Laptop and Desktop. 

  • Ang desktop ay ang pinakauna at kadalasang computer na ginagamit ng tao. Ito yung composed of CPU(system unit), Monitor and other peripherals (mouse, keyboard). 
  • Ang Laptop ay portable naman meaning pwede mo itong bitbitin at dalhin kahit saan na gumagamit lamang ng baterry at ang mga components nito ay compact. 

image: store3gp.blogspot.com


2. Ngayong alam mo na ang pagkakaiba ng desktop and laptop, makikita mo naman kung ano ang tamang paggamit ng iyong computer.

Kung gumagamit ka ng computer sa bahay dapat alam mo kung saan dapat i-pwesto, ano ang environment, at limitasyon. 
    • Ang tamang pwesto ng computer - kung desktop computer mo, dapat i-pwesto mo yan sa open space o yung hindi nakukulob tulad ng sulok ng bahay, sa tambakan ng gamit at sa cabinet o drawers (kasi may nakita ako nasa loob ng drawer ng table nya). Bakit ko nasabi na wag sa kulob? Dahil nag-iinit ang computer, ang components ng computer produces heat because of it's amount of processes tulad ng CPU (central processing unit), HDD (hard disk drive) at video card. Sa loob ng PC ay may computer fans na nag bubuga ng hangin papasok at palabas ng computer at ito ang nagreregulate ng init at lamig ng components nito. Kaya kung makikita nyo may fan na maliit sa likod ng computer, yan ang nagbubuga ng init (sobrang init ito na pwede ka mapaso). CPU palang grabe na ang init lalo na kung wala ang heat sink (yung prang silver na square sa loob ng computer). Iyon ang ang nag-aabsorb ng init ng CPU. Kaya ugaliin nating presko ang computers natin, sa open space po natin ito ilagay para din madaling i-manage at pabantayan natin ang mga cables at saksakan sa likod nito. Tandaan na ang main source ng power ng computer ay nasa likod so pag di mo ito mareach sa oras na may nagspark o nagtrip na koryente maaari itong pumutok o kumislap at di mo maagapan, naku magccause ng sunog (wag naman sana). Ang point ko dito ay madali mo makita ang wirings at hindi nasa panganib ang computer mo. Ngunit kung laptop ito ay walang problema dahil pwede mo ito dalhin kahit saan.
    • Ang environment o kapaligiran - kung may aircon kayo, mas mainam iyon. Pero kung wala kang aircon eh dapat mapanatili mo ang lamig ng isang computer. Depende sa manufacturer, may limitasyon ang computer mo. Karaniwang advisable temperature ng computer ay nasa (10º to 35ºC)Wag naman agad kabahan dahil ang nagmemaintain ng init ay ang heat sink at fan. Pero kung sobra na ang init maaari itong sumuko at init nalang ang idudulot. Iwasan din nating may basa, moist, at maalikabukan ang loob ng computer lalo na sa desktop. Maaari din kasi itong magcause ng init at short circuit. Kung may oras ka para maglinis ng computer, check mo kung may mga agiw at alikabok na.
    • Limitasyon - sa paggamit ng computer lalo na sa mga adik at laging naglalaro ng games at madalas sa facebook, dapat nating tandaan na hindi built ang desktop o laptop sa matagalang gamit kahit na may kilala ka na nakakagawa nun unless server yun at super desktop na kayang tumakbo ng matagal pero hindi parati. Kung power user ka kasi o yung mga taong gumagamit ng computer applications o games na nangangailangan ng madaming resources at power ng computer, mas naggegenerate ito ng heat at processes ng isang computer components. Gaya ng HDD, karamihan ay gumagamit nito lalo na yung may size na 3.5" na may metal disk sa loob at may spindle. Pag parati kang gumagamit ng computer at sobra ang processing ay ikot ito ng ikot para mag read at mag write. So bigyan din natin ng consideration ang health ng computer hindi lang basta gamitin ito para sa satisfaction nyo. Para tumagal ang computer mo, isipin din ang mga limitations nito. Actually madami pang limitations pa ako mabibigay kaso mahaba na masyado.
3. Ang tamang pagmemaintain o paglilinis ng computer

Kung naglilinis ka ng sasakyan, bahay at mga libro mo, ang computer kailangan din ng regular na paglilinis. Gaya ng nakasulat sa itaas kanina, may mga alikabok at agiw ang mga ito sa katagalan, bakit? Dahil di maiiwasan ang na pasukan ito lalo na pag di nasunod ang nasabi ko kanina. Alamin nyo ang mga paraan ng paglilinis ng computer.
  • Gumamit ng duster at wag basahan. Ang alikabok ay mas mainam tanggalin gamit ang duster, dahil kung basahan e pwede itong kumalat lalo na yung basa. Maaari din magshort circuit pag nagtipon ang alikabok at mabasa.
  • Microfiber vs dry cloth. Microfiber ay built para dumikit ang dumi, at advisable ito sa kahit anong devices na lilinisin. Pag dry cloth lang, madulas ito at mahirap magtanggal ng dumi lalo na sa mga sulok.
  • Water vs Alcohol. mas mainam gumamit ng alcohol kaysa sa tubig dahil madali itong matuyo at magtanggal ng dumi.
  • Blower and vacuum. mas ganda gumamit ng blower kapag di madali ng duster at microfiber para maalis ang mga maliliit na alikabok sa kasulok-sulukan. At vacuum naman para sa malalaking alikabok at madadami kasi pag nag blower ka eh kakalat yun at masakit sa ilong
  • Silicone spray lubricant. ito naman ang magandang i-spray sa computer dahil nag papaimprove ito ng mga piyesa ng circuit sa loob ng computer at nagaalis din ng dumi na pwedeng magcause ng short circuit.
  • Wag itaktak at alugin ang computer. ang components ng computer ay sensitive lalo na ang HDD dahil may maliliit na contact ito na maaaring masira agad at hindi maread ang iyong mga files.
  • Kung sa laptop naman ay gumamit ng masking tape o clear tape para dumikit ang mga dumi sa sulok ng keyboard. Mas maganda din magblower ang mga butas ng laptop gaya ng keyboard at fans. Ingatan din ang screen na mabasa lalo na ng tubig, mas maganda gumamit ng microfiber na may alcohol at i-apply ito sa LCD o screen ng gentle lang at wag madiin. Ang component kc ng LCD ay tubig, kapag nabasa ito lalo na kung mainit pa ay maaari itong makasira sa mga pixels at di magandang kulay sa screen. 
Pwede ka bumili dito >> Shop Online

Kung maglilinis ka ng computer, pwede na ang once a month o ever 4 months para hindi agad kumapit ang alikabok at kalawag sa computer mo.

Abangan po ninyo kung paano naman alagaan ang computer nyo in terms of OS o Operating System at sa mga software at viruses. 

Samantala, maaari po lamang ninyo i-share ang aking website upang madami din ang matuto gaya mo. Maraming salamat po!

9 comments:

  1. Nice Dijae! Very informative... thanks for sharing your knowledge on this :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you very much for taking time to chew this article! It's my pleasure to share it with you!

      Delete
    2. Great post thanks. This is very informative.
      try this one also. https://redcomputerscience.blogspot.com

      Delete
    3. How To Take Care Of Your Computers ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download Now

      >>>>> Download Full

      How To Take Care Of Your Computers ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download LINK

      >>>>> Download Now

      How To Take Care Of Your Computers ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download Full

      >>>>> Download LINK lN

      Delete
  2. Kuya Dijae pano po mag re-install ng OS. na over use na kasi yung cmd ko. Thanks Kuya!

    ReplyDelete
  3. Great post thanks. This is very informative.
    try this one also. https://redcomputerscience.blogspot.com

    I learned a lot of useful and insightful information thanks.
    try this one also. https://redcomputerscience.blogspot.com

    Thank you very much for this post.
    try this one also. https://redcomputerscience.blogspot.com

    ReplyDelete
  4. Thank you very much for this post very informative

    ReplyDelete
  5. Casinos near DC near DC (MGM) casinos | JSHQ
    Casinos near DC. MGM 김천 출장마사지 Resorts Casino 의왕 출장샵 & 계룡 출장샵 Hotel. 888Casino · Casinos Near DC. MGM Casino & Hotel, Council Bluffs, 순천 출장마사지 CO. 888Casino · Casinos Near DC. MGM Casino 평택 출장안마 & Hotel, Council Bluffs.

    ReplyDelete
  6. How To Take Care Of Your Computers ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download Now

    >>>>> Download Full

    How To Take Care Of Your Computers ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download LINK

    >>>>> Download Now

    How To Take Care Of Your Computers ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download Full

    >>>>> Download LINK

    ReplyDelete