Paano mo malalaman kung mabagal o mabilis ang internet mo?
Bago natin talakayin ang paraan kung paano, alamin muna natin kung ano ang basics ng internet. May isa akong client/user na na-encounter at sabi niya "ang bagal ng internet ko, bakit ba ganito? Hindi ko ma-open ang Facebook ko at email ko?". Kung titingnan mo ang problem nya ay hindi siya maka-browse sa website na pinupuntahan nya. Baket? Alamin natin sa maiikling salita na hatid ni Kuya Dijae! (parang super hero lang ang dating eh no? lol)
Pwedeng mabagal nga ang internet mo o di kaya putol-putol ang connection mo (intermittent).
Sa inter-networking, sa madaling salita ay ang connection ng isang lugar sa ibang lugar. Meaning, kumo-connect ka sa isang website or ibang network para makita ang pictures, articles, files at videos. So sa madaling maintindihang term, ang basic na kailangan para maka-connect ka doon ay:
1. Kailangan may internet connection ka
2. May computer/Smartphone/Tablet ka na naka-connect sa internet3. Active ang website na gusto mong mapuntahan.
2. Naka-connect ka sa WiFi nyo or sa ibang bahay (kapitbahay or hinack mo lang :) )
3. May hacking tool ka para maka-connect ng libre sa Smart/Globe/Sun nyahaha!
Kung may internet connection ka, ang ibig sabihin nito ay:
1. May plan or subcription ka sa Internet Service Provider (ISP).
2. Naka-connect ka sa WiFi nyo or sa ibang bahay (kapitbahay or hinack mo lang :) )
3. May hacking tool ka para maka-connect ng libre sa Smart/Globe/Sun nyahaha!
3. May hacking tool ka para maka-connect ng libre sa Smart/Globe/Sun nyahaha!
Tandaan na ang mga ito (ISP), ay may kanya-kanyang kakayahan (technology), capacity, at dami ng station (cell sites) para maging stable ang connection mo sa internet. Also, nagdedepende din sa lugar ang connectivity, eh kung ang lugar mo ay nasa bundok aba wag magpakasigurado na maganda ang internet mo (pero may mga maganda din naman). Pero kung nasa city ka or malapit sa city, malamang mas maganda ang connection mo puwera na lang kung sobrang dami na ang subscribers at mga gumagamit ng services nila (ISP) although dapat ayusin nila ang infrastructure nila para mas maganda ang service (nagrereklamo na ako no? hehe) eh babagal talaga ang internet mo. Hindi ko na masyadong tatalakayin ng detalye ang ISP.
So, anong ibig sabihin ng ISP sa mabagal na internet?
May mga delay at loss na tinatawag, eto yung loaded at malaki ang throughput (paki-google nalang muna sorry) ng inaaccess mo na website (delay) at ang loss or (intermittent). Ang intermittent na connection ay ang putol-putol na connection mo sa isang destination. Kapag hindi na makita ng modem mo (ito yung device na galing sa ISP) ang isang destination (example:www.pilebulb.com) ibig sabihin loss ang connection.
Paano ko malalaman na nawala ang connection?
Turuan kita ng basic lang na command (oh no Kuya Dijae bakit command?). Easy lang madali lang ito at almost lahat ng IT sa company o sa ISP pinapagawa ito or ipapagawa ito sayo.
Go to: Start > Type CMD > Press Enter. Gaya nito.
Sa loob ng black screen na ito, i-type ang "ping www.google.com -t" without the "".
Gaya nito, makikita mo na nakaka-connect ka sa internet kasi nababasa mo itong article ko hehe. Ang ibig sabihin ng Reply sa command na ping ay ang site na pini-ping mo ay narereach ng internet mo. At ang time=xxx ay ang delay ng connetion mo dito.
So kung makikita mo na "Ping timed out". It means hindi ka nakaka-connect sa destination. Dito palang ay malalaman mo na wala kang connection ng internet or invalid ang destination. Sinasabing intermittent kapang madami ang "Ping timed out" at konti ang "reply", makaka-experience ka ng mabagal na pag-browse sa website.
So ayos diba?
So kung gusto mo naman malaman ang bilis ng internet, i-access mo naman ang site na ito. Madali lang at sikat na sikat ito.
Go to www.speedtest.net
Click mo ang Begin Test upang malaman natin kung mabilis o mabagal ang internet mo. Makikita mo dito na na may numbers na lumalaki, example (1.02 mbp/s) na download at (0.64 mbp/s) na upload. Ang ibig sabihin nito ay sa 1 second ay 1.02mb ang kaya kong i-download or kung sa website ay kaya nito i-load ang images at texts at effects ng 1.02mbps. Ang ginawa natin ay nagtest si speedtest ng download ng certain amount ng data para makita ang result at ganoon din sa upload. Wag tayo magtaka minsan at mas malaki ang download sa upload dahil depende ito sa subscription nyo.
Kung ang subscription mo or ang pinagko-connectan mo ay maliit lang ang bandwidth (or ang capacity ng connection in terms of Mbps) hanggang doon lang ang kaya mong makuha. Mas malaking bandwidth, mas mabilis na internet. Pero kung unstable ang connection ng internet mo, kahit malaki pa ang binabayad mo sa ISP nyo, aba eh may problem. Dapat itawag nyo na yan sa ISP para mabigyan ng report at mabigyan kayo ng tamang troubleshooting. (Malay mo mag bigay ng bill adjustment hehe). Abangan nyo ang troubleshooting shooting article ni Kuya Dijae about basic inter-networking.
Plus: May effect din ang virus at malwares ng isang computer para makapagbagal ng internet mo. Kaya kung nakaka experience ka nito kahit ok naman ang internet mo maaari mong basahin ang isang artikulo ko tungkol sa "The best ways to prevent computer from problems and viruses"
So tandaan, malalaman mo ang performance ng internet mo sa madaling paraan. Kung hindi nyo gaanong maintindihan or nais na malaman pa ang tungkol dito ay maaari kayong magkumento sa ibaba. At kung sa tingin nyo ay nakatulong ako sa inyo paki like nalang at i-share pa sa ibang friends mo para masuportahan din si Kuya Dijae.
Maraming salamat sa pagbabasa, sana ay nakatulong ako sa iyo.
Hep hep!
Kung nais mong makatanggap ng latest na artikulo ni Kuya Dijae, maaari kang mag subscribe sa ibaba at dederecho ang updates sa inbox mo.
Paano malalaman kung may nang hack sa android tablet mo? Kasi kahit naka connect naman ako,hindi ako makapagbukas ng kahit anong apps,samantalang ung iba kasama ko naka connect naman. Kasi ung kasama ko dito sa bahay magaling manghack. Pag kasi nagbukas na sya ng tablet nya..automatic na hindi na ako makapag open ng kahit anong apps.ko kahit na nakaconnect ako sa wifi..please po sana msagot nyo ung mga tanung ko..tnx po
ReplyDeleteSalamat sa pag comment mo dito Jobelle.
DeleteAbout sa tanong mo. Kausapin mo sya ng masinsinan or i-libre mo sa starbucks. Hehe joke lang. May iba't-ibang factor kung bakit di mo maopen ang apps lalo na yung nangangailangan ng internet connection. Siguro yung sinasabi mong friend e marunong mag configure ng router nyo sa bahay or yung sa WiFi na device. This is for educational purpose lang at sana wag kayong mag-away ha? Wag mo akong sisihin haha.
1. Sa router kasi, pwedeng i-configure ang isang tablet, laptop, computer na nakaconnect dito na magka-limit sa anumang activity sa internet using IP address , MAC filtering, Application filter etc. Sa tuwing kumokonnect ka sa internet sumusunod ang device mo sa policy na nakaconfigure sa router. Example, no facebook, or no porn, or bawal download. Sa case mo, maaaring bawal ang apps, or nablock ang application or link na pinupuntahan ng apps mo.
2. Maaari ding ginalaw ang android device mo at nag-configure using txt file or sa command ng android. May mga paraan kc lalo na kung ang android mo e naka-root or yung madalas na nabibili sa public market na di kilala ang brand. Usually kc allowed itong i-configure. Ayun pwede ding nakablock ang apps mo or any website na gusto nyang i-block.
3. Kung bakit ka na-block, wala na ako dyan. Haha kausapin mo sya at baka nmn nag titipid sila sa bandwidth dahil ang apps mo nakakabagal din ng internet.
Ayun, sana nakatulong ako sa iyo. Tandaan, this is educational at wag akong sisihin sa anumang pangyayari sa inyong mag-kakaibigan. LOL
Bakit Mabagal Ang Internet Ko? ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download Now
Delete>>>>> Download Full
Bakit Mabagal Ang Internet Ko? ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download LINK
>>>>> Download Now
Bakit Mabagal Ang Internet Ko? ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download Full
>>>>> Download LINK 15
Your blog is so educational. marami akong natutuhan. Salamat po :)
ReplyDeleteBakit naman mahina pag umuualan?
ReplyDeleteBakit Mabagal Ang Internet Ko? ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download Now
ReplyDelete>>>>> Download Full
Bakit Mabagal Ang Internet Ko? ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download LINK
>>>>> Download Now
Bakit Mabagal Ang Internet Ko? ~ Kuya Dijae™ >>>>> Download Full
>>>>> Download LINK