You might know this puzzle already, dahil matagal na ito nag-exist, or dahil sumikat ito nitong past 10 years sa Pilipinas mula sa mga bata, high schoolers, college students or even professionals na nafe-feature sa TV, newspapers at maging sa mga contests sa bansa at international.
Naalala ko pa nung college ako kung saan nagsimula akong maglaro nito. Naisipan ko kasing mag-karoon ng skill every summer sa student life ko. Sinimulan ko syempre maghanap sa Youtube kung paano ito laruin at paano mai-solve. Noong una nakita ko mga tutorials ni Dan Brown until na-realize ko na nakabuo na pala ako. Tapos, tinry kong pag-aralan ng mas mabuti para makabisado ko ito. Hanggang nakapag-solve ako ng under 1 minute! Aba at tuwang-tuwa ako syempre dahil noong tinuruan ko din mga classmates ko sa Engineering specifically sa batch ko sa Compute Engineering sa University of Perpetual Help Main, nagpapa-unahan kami sa pag-solve. Syemrpe ang inyong lingkod ang nananalo LOL. Maing ang pinaka-malupet naming Prof na si Engr. Angel Maderal eh, naki-join na din!
Sumali din ako sa mga groups ng mga cubers sa south lalo na sa Las Pinas at cavite. Simula noon naging regular ang tagpuan na tinatawag na Cube meet. Paminsan, kasama din ako sa Manila Cube Meet na pinapangunahan pa noon ng PCA or Philippine Cubers Association. Simula noon, mas madami akong natagpuan na magagaling, mahuhusay, friendly, at masayang kasama din lang sa pag-ccube kundi maging sa mga ibang puzzles. At dahil doon, naisipan kong gumawa ng basic tutorial on how to solve the rubik's cube. I tried to make it simple and easy to understand that most Filipino na Tagalog speaking ay magbe-benifit at matuto sa tutorial ko. For over 100,000+ on a single Youtube video na Tutorial ko, sumikat ito at madami na ang nagtuto at natuwa. Ako din po ay natutuwa sa mga tao at followers ko na kayo'y natuto at karamihan ay mas mabibilis na sa akin. Isang karangalan ito para sa akin!
You can try searching for "Rubik's Tagalog Tutorial" in Google at ang aking video ang lalabas sa result. It means ito po ang pangunahing pinapanood ng mga kababayan natin para matutong mag-solve ng Rubik's Cube, at hindi lang para masolve, kundi para mabuo ito in under 1 minute. Convincing diba? You need to try din dahil maging ako natuto sa ganitong paraan at ang paraan na ito ay subok na at isa sa mga una at sikat na method by Fridrich (CFOL) sa pag-solve ng 3x3x3 Rubik's Cube na ginawa ni Mr. Erno Rubik.
Kudos to Dan Brown bilang inspiration ko para makagawa ng tutorial na ito. Panuoring nyo ang sinasabi kong Rubik's Cube Tagalog Basic Tutorial na nahahati sa tatlong (3) parts. Sana mag-enjoy kayo at matuto!
Pasensya na sa low quality video, matagal na kasi ito at kuha pa ito sa lumang phone ko dati. :)
How to Solve Rubiks Cube Tutorial (Tagalog) Part 1/3
How to Solve Rubiks Cube Tutorial (Tagalog) Part 2/3
How to Solve Rubiks Cube Tutorial (Tagalog) Part 3/3
Paki-share na din sa mga friends nyo para mas madami kayong makabuo ng Rubik's Cube!
0 comments:
Post a Comment