EarnBitcoin
Showing posts with label inspirational. Show all posts
Showing posts with label inspirational. Show all posts

Tuesday, August 8, 2017

A Story of A Neophyte Aspiring IT - How to be you po?

I know we are all in this era of self-providing information.

What do I mean?

Kung noong araw, "Ginugugol ko ang aking oras sa pag-aaral"...

Ngayon, "Ginu-Google ko ang aking pag-aaral"..

Funny right?

If you take it seriously, it seems that people nowadays including me are fine studying or researching almost everything using Google. Our Big Brother!

Sa office dati, me and my colligues are looking for or wanting a certfication for the benefit of work and self. 
But we could not afford it.. Maliit lang sweldo eh, minsan kulang pa..
So sabi ko, "Eh certificed naman tayo! GCE! (Google Certified Engineer)".. 
Magaling na yata tayong lahat sa pag-goGoogle lang ng any topics and questions in mind.

But that's not my point.



Let me tell you a real story sa isang Facebook Group..

A neophyte aspiring IT posted a question "May installer po ba ang Linux?", I'm not sure kung wala pa syang experience or just confused.
He said he wanted to use Kali Linux as a beginner. (Kali is for intermediate and advanced users, btw)
Some replied good information..
Some made short valid steps but it appeared to him as high level.
He had more questions..
And some told him to start with the Basics!

Google mo yan..

Most of the time, everyone is busy sa work, sa school or other projects.
They cannot always answer you right away.. And you need to get some time to research by yourself.
Then he asked for any links they can provide.. 
Apparently no one gave him a link.
At ang nakakalungkot pa, slightly bashed sya dahil nagtatanong na nga sya, hindi pa magalang. Sumagot s'ya ng hindi magagandang salita at nagmamayabang.

And an admin replied, "Pwede ka naman, magtanong pero malapit na kita i-kick dahil nagtatanong ka ng basic, pero mayabang ka sinasabi mo na may alam ka sa Kali, eh pang advanced users yon!"

Sad to say but it's the reality, you need to work on your own.
Learn by experience..
Learn by reading
Learn by mistakes..
linux4beginnersph - basic linux training course tagalog


Ang kagandahan lang, you have that determination to finish your course
You want it, because you need it.
Whether it needs a lot of time of learning, or costs you money. It's an investment.

We should really invest on education.

If you got stuck, ask again, why you need it.

But if you are an neophyte, you need to be:

  • Aware of the group of people na busy at madami nang experience.
  • Careful of your words
  • Ask nicely and always listen to answers and carry them along
  • Accept the answers and take it as challenge
  • Always find resource before you ask, "hanggat maaari, na-google mo muna bago ka magtanong if stuck ka na"
  • Always ready to learn, ask more!


Sa story kanina, sa taong iyon ay sana nakahanap sya talaga ng tamang source na matutulungan sya. 
Madali lang naman mag Google.. diba?

You are the best! I know that!

I hope you got something today. See you around next time!

P.S. Based on the story, tulad ka ba ni Neophyte na nagtatanong pero mayabang pa?  At kung ikaw naman ang may angking kaalaman, tulad ka ba din nila, or tutulungan mo si neophyte?

Let me know sa comments.



Friday, August 28, 2015

Journey In Becoming A Successful Entrepreneur

Journey In Becoming A Successful Entrepreneur

Sa paghahanap ko ng iba't-ibang way para kumita ng extra income gaya ng previous article ko about 8Share, ay nakita ko ang napakaraming offers, nariyan ang lottery, buy and sell, internet marketing, affiliate marketing, vlogging or yung magpo-post ka ng videos sa Youtube, network marketing, MLM, outsource or home based jobs, freelancing, at marami pang iba.

Kaso teka, sabi ko “grabe sobrang dami nito, parang ang hirap gawin at tsaka ang daming papag-aralan tapos baka masayang lang time ko at pera dito. Syempre may trabaho din ako na 8-5pm na dapat kong asikasuhin tapos may pamilya din akong dapat paglaanan ng oras”.

 Kaso diba? Naiisip natin bakit kaya yung iba eh kaya nilang i-manage ang work at businesses nila? Bakit kapag papasok sa negosyo kelangan talaga ng capital or puhunan? Aba may nakita ka bang negosyong walang puhunan? Cge nga? hehe biro lang. Pero totoo diba? Kahit pagod mo at oras ay puhunan din at kung may pangarap ka at goal sa buhay eh gagawin mo talaga ang isang bagay na may sakripisyo o minsan eh, buwis buhay! Wag yung buwis buwaya a? Hehe

Mahirap din ang mag-research mag-isa, mahirap ang magtiwala sa mga tao na sinasabing "kikita ka dito!" o "yayaman ka dito" o 'di kaya "mabilis ang kitaan dito". Maliban na lang siguro kung may malaki akong pera para mag-simula ng franchise like Mcdo, Jollibee, Mang Inasal o Dunkin' Donut at iba pa e malamang kikita ako ng malaki. Kaso noong nag-inquire ako sa mga business loan banks tapos nakausap ko ang mga financial advisers at business advisers, hindi madali ang mag franchise, una malaki ang puhunan, pangalawa 2-3 years ang return of investments or ROI, pangatlo ang income mo ay depende sa strategic location, siguro mga 200k-500k per month na ang average na kinikita nila (correct me if im wrong). Puwede na diba?

Kaso sabi ko, "wala akong ganung kalaking pera at parang hindi kakayanin ng time ko, at kung gawin ko to, hindi ko pa kayang umalis sa work ko, paano kung mag fail o di ko magawa?".

Hindi ba tanong mo di yun? Malamang pareho tayo. Ang pagnenegosyo daw ay isang malaking desisyon na may kaukulang risk factor at dedikasyon sa mga maaring mangyaring mabuti at di mabuti, yan yung pagkalugi at pag-asenso. Kung may nagbabasa na business expert dito ay maaaring sabihan ninyo ako na "Siguro dapat malaman mo muna kung ano ang plan mo at magkaroon ka ng business orientation at assessment". Tama po kayo, hindi ako experto sa pag-nenegosyo dahil hindi ko naman yun pinag-aralan. Isa po akong IT consultant at anong malay ko sa business. Kaya po ako nagsimulang sumulat ng artikulong ito upang maibahagi ko ang journey ko sa pag-nenegosyo.

Sa pasimulang ito ay maaaring makikita ninyo ang level ng kaalaman ko sa entrepreneurship. Tama! Si Kuya Dijae ay nagsisimula na sa isang seryosong bagay sa pagnenegosyo.

Sa atin bilang common people o ordinaryong mamamayan sa Pilipinas ay nabuhay at naturuan tayong mag-aral at makapag-tapos sa colehiyo at magkaroon ng magandang trabaho para umasenso sa buhay at buhayin ang pamilya at makabawi sa ating mga magulang na nagsakripisyo para tayo ay makatapos. Hindi po ito masama, hindi po ito isang failure dahil kung ginagawa natin ito na ang Dios natin ang nabibigyan ng luwalhati at para sa ating pamilya eh, isa itong magandang mithiin. Ngunit kung nais talaga nating magkaroon ng sustaining income at financial freedom, nalaman ko na ang 8-12 hours na trabaho natin ay hindi sapat pero "posible ah? (kung maging CEO at presidente ka ng company) para maging wealthy. Lalo na dito sa Pinas, relate? :) Dahil sa ordinaryong organisasyon, tayo, bilang mang-gagawa ay nagtatrabaho para sa boss ng boss ng boss natin, hindi ba? Ang opportunity natin o ang pagpupursigi natin sa trabaho para ma-promote o madagdagan ang sweldo ay nakasalalay sa performance, stability ng company, income ng company, ekonomiya, at minsan kung nagustuhan ka ng boss mo o may-ari ng company. Malaki o maliit na income natin ay minsan parang di sapat dahil kung itutumbas sa international standards na income ay hindi ganoon kalebel ang kita natin sa laki o mahal ng mga bilihin at standard of living. Bawasan mo pa ng TAX, at government mandatory benefits at pamasahe, pagkain, pangbayad ng bills, bahay at mga bilihin sa bahay at iba pa. Tapos may gusto ka pang bilhin na hindi naman kailangan. Aba dapat siguro matuto ka muna ng tamang pag-bubudget.

Teka kuya, may gusto ka bang i-promote? O ituro sa pagnenegosyo? Teka lang din po, diba ang title ko ay Journey in becoming a successful entrepreneur?

So ang gusto ko ay mabigyan ang bawat isa ng ideya sa tulad kong gustong makamit ang financial freedom sa pagnenegosyo. Again, isa po akong ordinaryong mang-gagawa na gustong kumita ng extra income na part-time at maaaring maging full time. Dahil sa nakita kong magandang opportunity sa tinahak kong business, hindi ko din alam kung paano ito sisimulan na i-share. Sinulat ko ito upang makita at marecord ko din ang progress sa pagpapalago sa desisyon naming pamilya sa isang napakagandang business.

Ito ang mga Top 10 qualifications ko at mga tanong na nasa isip naming mag-asawa sa pagsisimula ng negosyong tinatahak tinahak namin.

1.       Anong uri ng business ang puwede nating masimulan at kayang i-manage part-time at hindi nanga-ngailangan ng malaking puhunan?
2.       Alam nating ang pera ay nakukuha sa SALES, ano kaya ang magandang ibenta o produktong may halaga sa atin at sa iba?
3.       May benepisyo ba ang produktong mapipili natin sa mga consumers?
4.       Anong sistema ang pinakamaganda at epektibo na maaari nating ipagpatuloy at paghirapan na marangal at hindi makakasama sa kalusugan, dangal, pamilya, kaibigan at sa ating bansa? (ibig sabihin ay hindi dapat illegal).
5.       Anong produkto ang mapagkakatiwalaan natin na hindi tayo mapapahiya?
6.       Anong future ang puwede nating makuha sa negosyo na magiging financially free at hindi kukuha ng malaking time sa ating family bonding, relationship sa Dios at socialism?
7.       Anong negosyo ang maaari ding maipasa sa ating mga anak at pamilya para din sa kanilang kinabukasan?
8.       Anong sistema din ang magpapanatili sa atin na maging masipag, matiyaga, pursigido, maka-inspire sa iba at makatulong sa iba.
9.       Yung hindi pera pera lang, pero may value na makukuha at may personal development.
10.   Anong negosyo ang magbibigay sa atin ng masaya, productive, valuable, self-sustaining, passive income, memorable, sharable experience at easy to do na gawain araw-araw?

Marahil ang mga ito ay maaari mo ding gawing batayan pero hindi naman sapilitan o kailangang gayahin. Ito'y nabuo lang sa isipan naming mag-asawa para sa aming anak at future. Sa patuloy pang pagsasaliksik ng mga success stories ng mga successful entrepreneurs at business man, aking iss-share ang mga ito sa bawat artikulo ni Kuya Dijae kung saan maaari ninyong matutunan at i-apply sa buhay at plano sa pagnenegosyo.

Samantala, nagsimula na kami sa isang negosyong naging swak sa mga katanungang ito. At handa na akong harapin ang challenges at hardship na pwedeng maranasan sa tulong ng Dios. Gusto nyo ba akong samahan sa Journey kong ito?

Gusto nyo malaman kung anong negosyo ang patok, swak at safe ang meron kami ngayon? May plano ka din bang magnegosyo at magkaroon ng maraming time sa Dios, Family at Friends?

Kung oo? Aba sundan nyo po ang series na ito na Journey in becoming a successful entrepreneur ni Kuya Dijae. Sa susunod ko pong artikulo, malalaman ninyo ang step by step at sagot sa Top 10 qualifications of a good business ni Kuya Dijae. Naroon din po ang ilang mga bonus tips at GREAT opportunity na maari mong hinahanap!

Para makasunod po kayo, mag subscribe po kayo sa pamamagitan ng pag-lagay ng email sa gawing kanan sa itaas ng website na ito. Maaari din kayong mag-comment sa ibaba or i-message nyo ako sa kuyadijae@gmail.com. I'll try my best to answer you as soon as possible.

Maraming salamat sa pagbabasa.




Monday, August 10, 2015