EarnBitcoin

Wednesday, November 26, 2014

PC Maintenance 101: The Best Ways To Prevent Computer Problems and Viruses

Ano ba ang OS o operating system? operasyon ba to sa ospital? naku hindi po! haha. siguro ang iba sa inyo alam na ito, pero sa mga baguhan at wala masyadong alam sa computers eh, dapat alam mo din ito kasi para sa daratingna panahon na kailangan ipaayos o bibila ka ng computer, kasama ito sa mgaitatanong sa inyo o dapat nyong itanong. Katulad nga ng nabanggit ko sa una kong sinulat na "How to take care of your computer" na ang operating system or OS ay isa mahalangang dapat nating pangalagaan dahil ito ang pinaka madalas nating nagagamit sa computer.
Kabilang ito sa "Computer 101" kong artikulo, kung gusto mong malaman munaang kabuuhan ng computer, magandang mabasa mo iyon sa susunod.


















So simulan na po nating ang topic na
"What is operating system and how to take care of it in basic language?"

Basic definition lang po tayo ayon kay Wiki.

Ang OS or operating system is software that manages computer hardware and software resources and provides common services for computer programs. The operating system is an essential component of the system software in a computer system. Application programs usually require an operating system to function.

Sa maikling salita po, ito ang paraan upang magamit natin ang computer sa lahat ng functions na kailangan natin. Sa likod nito, ang OS ang nag uutos sa makina o yung hardware na nahahawakan mo para gumana. Kung walang OS ang  computer, hindi natin mapapakinabangan ito (maliban nalang kung kaya mong kausapin ang mga piraso ng makina) hehe biro lang.


linux4beginnersph basic linux training tagalog dijae

Hindi ko na po isasaysay ang teknikal na detalye ng operating system kasi isang sem ko po iyon pinagaralan as Computer Engineer, baka maboring kana. Pero ang layunin ko lang kung bakit kailangan mong malaman ito upang maunawaan mo paano ito pangalagaan ng tama, gamitin ng tama, at maingatan laban sa mga nakakainis na virus at problema.

So congrats at alam mo na ang basic ng OS o Operating System!

Tuloy na tayo sa paggamit ng tama at tamang pangangalaga ng Operating System.

Kapag gumagamit tayo ng computer, i-treat natin itong mahalagang bagay para makagawa tayo ng mabilis at madali dahil nga ito ang layunin ng computer. Syempre mahal din ang bili mo dito diba? Baka nga ipinadala pa to ng kamag-anak mo o katas to ng pagod mo sa trabaho o pinag-ipunan mo to para sa mga anak mo. para din itong kotse o isang appliance na dapat ingatan.

Kapag pinower-on ang computer, diba may mga nagdidisplay sa black screen na mga numbers at parang codes? Pero mabilis lang ito lumalabas, ito po ang pinakamaliit na inpormasyon ng computer sa pinaka-basic na OS nito o yung tinatawag na BIOS (Basic Input-Output System), di ko na po tatalakayin ito ng mahaba. Ang layunin ko lang dahil dito palang malalaman na natin kung may problema na ang hardware ng computer mo. Minsan may tunong kang maririnig at minsan wala kang makikita sa screen mo, ibig sabihin may problema. Pero di ko po muna tatalakayin ang troubleshooting sa inyo, abangan nalang ninyo sa susunod kong mga artikulo.

So pag power-on mo, dapat lalabas ang details, tapos magloload ang Windows na parati nating nakikita sa screen. Kung linux gamit nyo e malamang may alam na kayo sa computer kasi bihira lang ang gumagamit nitong tao maliban kung IT student o professional ka. Ang Windows po ay isang Operating System na gawa ng Microsoft na pagmamay-ari ni Bill Gates. Ang windows ay may iba't-ibang version, sa panahon po ngayon ang karamihan na makikita natin ay Windows Xp, Windows 7 at Windows 8. Siguro at napaka pamilyar na yan sa iyo diba? Tuloy natin.

Kapag nagloload ang windows (dapat mabilis lang to kung bago ang PC mo), nagpi-preload ang OS ng mga kailangang softwares, configurations, at files at chinicheck nya lahat ng status ng computer mo para magamit mo ito ng maayos. Kapag may problema ang computer mo, kalimitan may error na lumalabas sa sinasabi nya kung ano ang problema, minsan ok lang na i-ignore ito o minsan dapat i-cancel.

So kapag nakapag-login kana (kung ito'y enabled) makikita mo na ang desktop mo, ang desktop po ay ang pinaka home o page na pinaka-una, pwede din itong tinatawag na (PC, computer, o uri ng computer). Pero sa topic na ito, gagamitin natin ang Desktop as isang screen o folder.

Naka-display sa Desktop mo ang mga icons at shortcuts sa mga applications o software o mga files na ginagamit mo. Basic diba? So move on tayo ha?

So malamang nagload na lahat ng kailangan ng OS para magamit mo na ito.

Dumako na tayo sa 
"How to Take Care of Your Computer's Operating System".



Advice ko na sana bumili tayo ng Original na OS upang hindi tayo labag sa batas, at upang mas mapangalagaan ka ng gumawa ng OS mo sa pamamagitan ng mga updates. Ang updates ay ang mga bagong files at configurations na kailangan ng computer laban sa mga viruses, bugs (o mga sira na natuklasan ng karamihan sa OS), at problems. Inaayos nito ang computer mo at pinoprotektahan sa mga future na problema.

 Mag-install po lamang tayo din, ng mga original na software (pero hindi sa lahat ng pagkakataon, siguro dahil mahal at hindi naman kailangan) upang maiwasan ang virus, at pagkasira ng OS.

Mag-install ka dapat ng anti-virus, yung hindi pirata para maiwasan ang karagdagang virus at pagkasira ng computer. May mga Open Source o mga libre at legal na AV na makakatulong sa pagprotect ng OS mo gaya ng Avast, Malwarebytes Panda, ClamAV, Kaspersky, AVG, Bitdefender, Comodo, Avira, at MSE laban sa mga viruses gaya ng Malware, Spyware, Worm, Trojan at iba pa. Now, kung gusto mong maging mas updated at lalo pang maprotektahan ka laban sa virus, eh mas magandang bumili ng Pro o Premium ng mga produktong nabangging. Pwede nyo silang bisitahin sa pag-click ng mga pangalan nila at hanapin ang register at purchase.

Mag-ingat sa paggamit ng mga USB drives na ipinapasok sa computer. Ugaliing tanungin mo muna ang pinanggalingan ng USB na yun. Kung ang PC ba nya may Anti-Virus o wala. At tanungin mo din kung nascan ba nya yun at ano ang mga laman. Di naman masama yun diba? So kapag nag-insert ka ng USB drive sa PC mo, wag po basta basta magopen ng mga Folders o Files na may ".exe" sa dulo, maaari po itong pagmulan ng virus. Lalo na yung files na may ".vbs" sa dulo na kadalasang nagmumula ang virus. Pero kung may Anti-Virus ka, madali itong made-detect at burahin agad o mag sasabi sya na may virus threat ang file na iyon. Para makita mo ang files na ".exe" at ".vbs" at mga nakatagong files na tiyak na pagmulan ng virus dapat mong gawing ang mag unhide ng mga files, sundan..

Advisable po ang mag-unhide ng files parati para makita agad ang uri ng files kung ito'y virus o hidden files lang. Dahil madalas po ang virus hina-hide niya ang mga files mo para gumawa ng fake files na pagsisimulan ng virus. Sundan po ang step na ito upang makita nyo ang mga hidden files.  Sa keyboard mo, press and hold ang windows key + E > Then press and hold ALT + T > click 'folder options' > Click sa taas ang 'View' na tab. > Then, sa baba under 'Advanced Settings:' hanapin ang 'Show hidden files, folders, and drives' at piliin ito. > Then, i-uncheck ang 'Hide protected operating system files (recommended)' upang mas makita ang mga files. > Click OK.


Panatilihing mag-ingat sa mga Websites na pinupuntahan. Kapag po may mga pop-ups or yung tipon lumalabas nalang sa screen mo kapag may pinuntahan kang isang link or website, wag na lamang po itong i-click dahil ito po ay uri ng deception ng mga virus. Maaari po itong i-close na lamang. Wag din po basta basta nalang mag-click ng mga 'Ads' o advertisement.

Wag din pong basta basta nalang mag install ng kung anu-anong mga games at software sa nadadownload nyo. Pero kung nadownload nyo na ito, kasi gusto nyo talaga o talagang ayaw nyo maniwala sakin (hehe) eh, ugaliin mo nalang i-scan ito ng Antivirus nyo para masiguradong safe ito. Teka puro ata virus ang sinasabi ko, dumako naman tayo sa basic na pangangalaga ng computer.

Kapag gumagamit po ng computer, iwasan po nating abusuhin ito na parang gusto mo magawa lang ng gagawin mo. Parang gusto mo na kayang gawin lahat ng computer mo ang nasaisip mo. Teka po, although computer yan at walang pakiramdam, may limitasyon din po yan. Kung ang computer mo eh mataas ang specifications (specs), siguro puwede kang magutos sa kanya ng sabay sabay. Ang ibig kong sabihin, halimbawa nagbukas ka ng MS Word, tapos nag-play ka din ng video, tapos, naka-open sa browser mo e 5 hanggang 10 to 20 na websites tapos gusto mo pang maglaro ng games, eh ang computer mo is 2GB ang ang memory and Dual Core lang ang CPU at mababang video card, eh susuko po iyon at maaari kang mainis sa bagal. Tandaan mo, dumedepende ang gusto mong gawin sa computer mo o gusto mong ipagawa sa PC mo ang kakayanan ng makina mo. Baka dapat ka nalang mag-upgrade ng PC, o dapat alam mo ang limitasyon nito.

Kapag mabagal ang computer mo, eh iwasan nating hampasin ang computer at baka maalog ang HDD o Hard Disk na syang naglalaman ng OS mo. Maaari po kasi itong pagmulan ng problema gaya ng 'Disk Failure' at corruption ng OS. 

Huwag mo din i-force na patayin ang computer mo maliban kung kailangan (eto yung tipong wala nangmagalaw sa PC o nagstuck na lahat). Kapag nag-hang ang PC, i-try mo muna ang "CTRL+ALT+DELETE" at mag-close o click "End Task" ng mga application na sapalagay mo nag-cause ng pag-hang (eto yung kaladasang application na kaka-run mo lang). Note: Pero mag-ingat sa pag-close ng mga services dito, maaaring system critical services ang ma-close mo at magka-problema ka lalo.

Maglaan ka din ng oras para mag scan at magmaintenance ng PC mo. Ito'y sa paraan ng mag scan ng Antivirus although automatic ito at kung naka XP ka pa, magscan ng Disk using scan disk. Ganito po, Buksan mo ang My computer > then rightclick ang Drive C: > click Properties > then under Tools na Tab > Click 'Check Now' beside Error-checking' > click Start > at hintayin ito hanggang matapos habang ginagawa mo ang iba mo pang gawain o gusto mo kumain ka muna as break time. Kape kape din pag may time!

At yan po ang mga basic na pwede mong gawin para mapangalagaan ang computer mo. Note lang po, na ang mga nasabi ko sa itaas as "How to Take Care of Your Computer's Operating System" ay basic at hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat itong gawin, lalo na kung iba ang OS mo, mataas ang specs ng PC mo, o lagi kang updated sa Windows Update at anti-virus. Pero ito ang mga recommended ko ayon sa mga na-experience ko at mga nababasa ko. Medyo matagal na din ako sa industriyang ito e, pero minsan kailangan ko ding mag update ng mga kaalaman sa mga bagong paraan ng wastong pag-memaintain.

So kung may mga katanungan ka, gustong idagdag, at komento maaari kang mag comment sa ibaba o di kaya mag-email kay kuyadijae@gmail.com at sa di naman mahabang panahon sasagot ako sa mga email nyo.

Sana nakatulong ako sa iyo at nakadagdag ng kaalaman at maiwasan na yang mga virus virus na yan at pasaway na computer. Hehe. Pero pag hindi nyo na talaga kaya at kailangan nyo ng solution sa problem ng PC nyo tapos hindi nyo ako macontact eh, dalhin na ninyo sa mga tiwala at authorized na Computer Technician sa malapit na computer shop at centers sa inyo or sa mall. May ranging 800-1500 na diagnostic fee sila at minsan libre.

O pano po, salamat sa bagbabasa at tunghayan nyo ako sa susunod ko pang mga artikulo na makakatulong sa inyo.

Samantala, paki-share na din ito para makatulong sa mga friends mo at para masuportahan nyo itong website na ito.


AVG AntiVirus 2015NEW AVG PC Tuneup!

Bumalik sa nakaraang artikulo: How To Take Care Of Your Computers

Iba pang computer tips: All About Computers





8 comments:

  1. Good article Dijae..worth reading..thanks again for sharing this to us :)

    ReplyDelete
  2. Hi Ms/Mr. Thank you for looking into my site! It's my pleasure to serve you! Please do support my site by sharing it to others!

    Thank you again!

    ReplyDelete
  3. Hi Kuya dijae,thank u po sa mga articles nio lhat po halos nabasa ko.. at madami po akong nlmn at natutunan. kuya dijae pwede po ba ako mgtanung o pwede po ba gawa ka ng article about sa kung papano ko malalamn kung may ngdodowload, youtube at facebook sa loob ng opisina na gumagamit po ng internet? slmat po :) --> mavic

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mavic, firstly salamat sa pagbabasa sa mga articles ko. At good for you at may natutunan ka. About sa concern mo, yes pwede ko yan gawin. I think what you mean is you want traffic logs. Maybe this next week or two magawa ko yan hehe. Make sure lang na subscribe kayo kay kuya dijae. Makikita nyo yan sa gawing kanan at baba ng blog na to.

      Salamat!

      Delete
  4. Kuya dijae baka po pwedeng magpost naman po kayo ng topic about troubleshooting :) salamat

    ReplyDelete
  5. Sir Sa Pag format nga ng Pc win XP

    ReplyDelete
  6. pano po maglipat ng mga apps sa server to other computers. sa comp shop po.

    ReplyDelete
  7. ano po kaya passible reason kung bakit ayaw po mag open ng monitor? kc po nilinis ko lng ung system unit, binalik ko naman ng tama lahat ng mga hardware, so nung inopen ko na ayaw mag open ng monitor.

    ReplyDelete