Sa paghahanap ko ng iba't-ibang way para kumita ng extra income gaya ng previous article ko about 8Share, ay nakita ko ang napakaraming offers, nariyan ang lottery, buy and sell, internet marketing, affiliate marketing, vlogging or yung magpo-post ka ng videos sa Youtube, network marketing, MLM, outsource or home based jobs, freelancing, at marami pang iba.
Kaso teka, sabi ko “grabe sobrang dami nito, parang ang hirap gawin at tsaka ang daming papag-aralan tapos baka masayang lang time ko at pera dito. Syempre may trabaho din ako na 8-5pm na dapat kong asikasuhin tapos may pamilya din akong dapat paglaanan ng oras”.
Kaso diba? Naiisip natin bakit kaya yung iba eh kaya nilang i-manage ang work at businesses nila? Bakit kapag papasok sa negosyo kelangan talaga ng capital or puhunan? Aba may nakita ka bang negosyong walang puhunan? Cge nga? hehe biro lang. Pero totoo diba? Kahit pagod mo at oras ay puhunan din at kung may pangarap ka at goal sa buhay eh gagawin mo talaga ang isang bagay na may sakripisyo o minsan eh, buwis buhay! Wag yung buwis buwaya a? Hehe
Mahirap din ang mag-research mag-isa, mahirap ang magtiwala sa mga tao na sinasabing "kikita ka dito!" o "yayaman ka dito" o 'di kaya "mabilis ang kitaan dito". Maliban na lang siguro kung may malaki akong pera para mag-simula ng franchise like Mcdo, Jollibee, Mang Inasal o Dunkin' Donut at iba pa e malamang kikita ako ng malaki. Kaso noong nag-inquire ako sa mga business loan banks tapos nakausap ko ang mga financial advisers at business advisers, hindi madali ang mag franchise, una malaki ang puhunan, pangalawa 2-3 years ang return of investments or ROI, pangatlo ang income mo ay depende sa strategic location, siguro mga 200k-500k per month na ang average na kinikita nila (correct me if im wrong). Puwede na diba?
Kaso sabi ko, "wala akong ganung kalaking pera at parang hindi kakayanin ng time ko, at kung gawin ko to, hindi ko pa kayang umalis sa work ko, paano kung mag fail o di ko magawa?".
Hindi ba tanong mo di yun? Malamang pareho tayo. Ang pagnenegosyo daw ay isang malaking desisyon na may kaukulang risk factor at dedikasyon sa mga maaring mangyaring mabuti at di mabuti, yan yung pagkalugi at pag-asenso. Kung may nagbabasa na business expert dito ay maaaring sabihan ninyo ako na "Siguro dapat malaman mo muna kung ano ang plan mo at magkaroon ka ng business orientation at assessment". Tama po kayo, hindi ako experto sa pag-nenegosyo dahil hindi ko naman yun pinag-aralan. Isa po akong IT consultant at anong malay ko sa business. Kaya po ako nagsimulang sumulat ng artikulong ito upang maibahagi ko ang journey ko sa pag-nenegosyo.
Sa pasimulang ito ay maaaring makikita ninyo ang level ng kaalaman ko sa entrepreneurship. Tama! Si Kuya Dijae ay nagsisimula na sa isang seryosong bagay sa pagnenegosyo.
Sa atin bilang common people o ordinaryong mamamayan sa Pilipinas ay nabuhay at naturuan tayong mag-aral at makapag-tapos sa colehiyo at magkaroon ng magandang trabaho para umasenso sa buhay at buhayin ang pamilya at makabawi sa ating mga magulang na nagsakripisyo para tayo ay makatapos. Hindi po ito masama, hindi po ito isang failure dahil kung ginagawa natin ito na ang Dios natin ang nabibigyan ng luwalhati at para sa ating pamilya eh, isa itong magandang mithiin. Ngunit kung nais talaga nating magkaroon ng sustaining income at financial freedom, nalaman ko na ang 8-12 hours na trabaho natin ay hindi sapat pero "posible ah? (kung maging CEO at presidente ka ng company) para maging wealthy. Lalo na dito sa Pinas, relate? :) Dahil sa ordinaryong organisasyon, tayo, bilang mang-gagawa ay nagtatrabaho para sa boss ng boss ng boss natin, hindi ba? Ang opportunity natin o ang pagpupursigi natin sa trabaho para ma-promote o madagdagan ang sweldo ay nakasalalay sa performance, stability ng company, income ng company, ekonomiya, at minsan kung nagustuhan ka ng boss mo o may-ari ng company. Malaki o maliit na income natin ay minsan parang di sapat dahil kung itutumbas sa international standards na income ay hindi ganoon kalebel ang kita natin sa laki o mahal ng mga bilihin at standard of living. Bawasan mo pa ng TAX, at government mandatory benefits at pamasahe, pagkain, pangbayad ng bills, bahay at mga bilihin sa bahay at iba pa. Tapos may gusto ka pang bilhin na hindi naman kailangan. Aba dapat siguro matuto ka muna ng tamang pag-bubudget.
Teka kuya, may gusto ka bang i-promote? O ituro sa pagnenegosyo? Teka lang din po, diba ang title ko ay Journey in becoming a successful entrepreneur?
So ang gusto ko ay mabigyan ang bawat isa ng ideya sa tulad kong gustong makamit ang financial freedom sa pagnenegosyo. Again, isa po akong ordinaryong mang-gagawa na gustong kumita ng extra income na part-time at maaaring maging full time. Dahil sa nakita kong magandang opportunity sa tinahak kong business, hindi ko din alam kung paano ito sisimulan na i-share. Sinulat ko ito upang makita at marecord ko din ang progress sa pagpapalago sa desisyon naming pamilya sa isang napakagandang business.
Ito ang mga Top 10 qualifications ko at mga tanong na nasa isip naming mag-asawa sa pagsisimula ng negosyong tinatahak tinahak namin.
1. Anong uri ng business ang puwede nating masimulan at kayang i-manage part-time at hindi nanga-ngailangan ng malaking puhunan?
2. Alam nating ang pera ay nakukuha sa SALES, ano kaya ang magandang ibenta o produktong may halaga sa atin at sa iba?
3. May benepisyo ba ang produktong mapipili natin sa mga consumers?
4. Anong sistema ang pinakamaganda at epektibo na maaari nating ipagpatuloy at paghirapan na marangal at hindi makakasama sa kalusugan, dangal, pamilya, kaibigan at sa ating bansa? (ibig sabihin ay hindi dapat illegal).
5. Anong produkto ang mapagkakatiwalaan natin na hindi tayo mapapahiya?
6. Anong future ang puwede nating makuha sa negosyo na magiging financially free at hindi kukuha ng malaking time sa ating family bonding, relationship sa Dios at socialism?
7. Anong negosyo ang maaari ding maipasa sa ating mga anak at pamilya para din sa kanilang kinabukasan?
8. Anong sistema din ang magpapanatili sa atin na maging masipag, matiyaga, pursigido, maka-inspire sa iba at makatulong sa iba.
9. Yung hindi pera pera lang, pero may value na makukuha at may personal development.
10. Anong negosyo ang magbibigay sa atin ng masaya, productive, valuable, self-sustaining, passive income, memorable, sharable experience at easy to do na gawain araw-araw?
Marahil ang mga ito ay maaari mo ding gawing batayan pero hindi naman sapilitan o kailangang gayahin. Ito'y nabuo lang sa isipan naming mag-asawa para sa aming anak at future. Sa patuloy pang pagsasaliksik ng mga success stories ng mga successful entrepreneurs at business man, aking iss-share ang mga ito sa bawat artikulo ni Kuya Dijae kung saan maaari ninyong matutunan at i-apply sa buhay at plano sa pagnenegosyo.
Samantala, nagsimula na kami sa isang negosyong naging swak sa mga katanungang ito. At handa na akong harapin ang challenges at hardship na pwedeng maranasan sa tulong ng Dios. Gusto nyo ba akong samahan sa Journey kong ito?
Gusto nyo malaman kung anong negosyo ang patok, swak at safe ang meron kami ngayon? May plano ka din bang magnegosyo at magkaroon ng maraming time sa Dios, Family at Friends?
Kung oo? Aba sundan nyo po ang series na ito na Journey in becoming a successful entrepreneur ni Kuya Dijae. Sa susunod ko pong artikulo, malalaman ninyo ang step by step at sagot sa Top 10 qualifications of a good business ni Kuya Dijae. Naroon din po ang ilang mga bonus tips at GREAT opportunity na maari mong hinahanap!
Para makasunod po kayo, mag subscribe po kayo sa pamamagitan ng pag-lagay ng email sa gawing kanan sa itaas ng website na ito. Maaari din kayong mag-comment sa ibaba or i-message nyo ako sa kuyadijae@gmail.com. I'll try my best to answer you as soon as possible.
Maraming salamat sa pagbabasa.
Easily Boost Your ClickBank Traffic And Commissions
ReplyDeleteBannerizer makes it easy for you to promote ClickBank products with banners, simply visit Bannerizer, and grab the banner codes for your chosen ClickBank products or use the Universal ClickBank Banner Rotator to promote all of the ClickBank products.