EarnBitcoin
Showing posts with label career. Show all posts
Showing posts with label career. Show all posts

Tuesday, August 8, 2017

A Story of A Neophyte Aspiring IT - How to be you po?

I know we are all in this era of self-providing information.

What do I mean?

Kung noong araw, "Ginugugol ko ang aking oras sa pag-aaral"...

Ngayon, "Ginu-Google ko ang aking pag-aaral"..

Funny right?

If you take it seriously, it seems that people nowadays including me are fine studying or researching almost everything using Google. Our Big Brother!

Sa office dati, me and my colligues are looking for or wanting a certfication for the benefit of work and self. 
But we could not afford it.. Maliit lang sweldo eh, minsan kulang pa..
So sabi ko, "Eh certificed naman tayo! GCE! (Google Certified Engineer)".. 
Magaling na yata tayong lahat sa pag-goGoogle lang ng any topics and questions in mind.

But that's not my point.



Let me tell you a real story sa isang Facebook Group..

A neophyte aspiring IT posted a question "May installer po ba ang Linux?", I'm not sure kung wala pa syang experience or just confused.
He said he wanted to use Kali Linux as a beginner. (Kali is for intermediate and advanced users, btw)
Some replied good information..
Some made short valid steps but it appeared to him as high level.
He had more questions..
And some told him to start with the Basics!

Google mo yan..

Most of the time, everyone is busy sa work, sa school or other projects.
They cannot always answer you right away.. And you need to get some time to research by yourself.
Then he asked for any links they can provide.. 
Apparently no one gave him a link.
At ang nakakalungkot pa, slightly bashed sya dahil nagtatanong na nga sya, hindi pa magalang. Sumagot s'ya ng hindi magagandang salita at nagmamayabang.

And an admin replied, "Pwede ka naman, magtanong pero malapit na kita i-kick dahil nagtatanong ka ng basic, pero mayabang ka sinasabi mo na may alam ka sa Kali, eh pang advanced users yon!"

Sad to say but it's the reality, you need to work on your own.
Learn by experience..
Learn by reading
Learn by mistakes..
linux4beginnersph - basic linux training course tagalog


Ang kagandahan lang, you have that determination to finish your course
You want it, because you need it.
Whether it needs a lot of time of learning, or costs you money. It's an investment.

We should really invest on education.

If you got stuck, ask again, why you need it.

But if you are an neophyte, you need to be:

  • Aware of the group of people na busy at madami nang experience.
  • Careful of your words
  • Ask nicely and always listen to answers and carry them along
  • Accept the answers and take it as challenge
  • Always find resource before you ask, "hanggat maaari, na-google mo muna bago ka magtanong if stuck ka na"
  • Always ready to learn, ask more!


Sa story kanina, sa taong iyon ay sana nakahanap sya talaga ng tamang source na matutulungan sya. 
Madali lang naman mag Google.. diba?

You are the best! I know that!

I hope you got something today. See you around next time!

P.S. Based on the story, tulad ka ba ni Neophyte na nagtatanong pero mayabang pa?  At kung ikaw naman ang may angking kaalaman, tulad ka ba din nila, or tutulungan mo si neophyte?

Let me know sa comments.



Tuesday, August 2, 2016

Ano Ang Dapat Malaman Sa IT Career? Career Guide To IT Wanna Be!

Bakit Madaming Gustong Maging IT Professional?

An introduction and guide to Information Technology from a non-IT education expert but an experienced IT professional.




Ang nilalaman ng artikulong ito ni Kuya Dijae ay batay sa kanyang experience at hindi masasabing accurate batay sa mga existing books at references ng mga experto and education masters. Ito ay para magkaroon ng realistic approach ang bawat indibidwal patungkol sa topic. Ang mga nakasaad dito ay pawang pag-aari at mula sa ideya ng manunulat at sa mga ilang references upang makatulong sa pagpapaliwanag. Kung may dapat I-correct at sa tingin ninyong dapat I-revise, please contact me via email at kuyadijae@gmail.com.

Ang tanong ng marami na "Ano ba ang I.T. o Information Technology?" at "Bakit Madaming Gustong Pumasok sa larangang ito?", ay madalas nating naririnig at nakikita sa mga pahayagan, social media, balita at maging sa mga nakapaligid sa atin. May mga bata, estudyante sa high school at college, mga magulang at mga mang-gagawa na maaaring may katanungang ito na isip at gustong malaman kung bakit nga ba madaming gustong maging IT professional.

Ano ba ang IT? Ang salitang ito ay gasgas na gasgas na sa atin, at may mga misconception at confusion sa mga ito, minsan ang alam lang ng tao sa IT eh nag-aayos ng computer, minsan naman programmer, minsan hindi talaga alam o naguguluhan. Medyo generalized kasi ang term o salitang ito kung hindi pa malinaw sa atin kung ano nga ba ang IT. Ang goal ko ngayon at tiyak ako na mag-lelevel-up ka sa pagbasa ng artikulo kong ito na introduction and guide to information technology for newbies and non-technical people, at maging sa mga nagbabalak at naghahanap ng career, ay magkaroon ka ng kaunting background, option, at swak na kaalaman para sa career, business, at buhay sa ilalim ng technology. Handa ka na ba? Talakayin natin ito sa pamamagitan ng paghimay-himay para hindi ka maguluhan.

Information Technology and Its Definition
Short History

Ang Information Technology o I.T. ay nagsimula pa noong 1940s at 70s at maging sa sinauna pang panahon kung saan ang tao ay unang nakapag-inscribe o communicate sa ibang tao gamit ang technology sa kanya-kanyang panahon. Pero hindi ko tatalakayin iyon dahil hindi naman ako historian (hehe). May mga milestone ang communication at computing, nagsimula ito sa Premechanical o yung mga drawings at symbols sa bato, tapos naging mechanical, electromechanical, tapos naging electronic. Sa maikling salita, nag-exist na ang information technology at nag-eevolve ito time by time dahil sa pangangailangan at demand ng tao.

Information Technology in Education

Naging popular ang IT pag dating sa education, lalo na kung ang topic ay kung ano ang kurso ng isang estudyante. Naging matunog ito sa ating bansa noong 2005 dahil sa demand ng trabaho sa ibang bansa. Dahil sa ganda ng offers ng mga kumpanya, dumami ang nag-enroll sa mga sikat na schools gaya ng AMA, STI at Mapua sa mga kursong may kinalaman sa technology. Ito ay ang mga gaya ng BSIT (Bachelor of Science in Information Technology), BSCS (Bachelor of Science in Computer Science) at ang Computer Studies. Pero mostly, ang mga bata ay nahuhumaling sa IT dahil ito ang madalas na nababanggit at nai-rerecommend sa kanila.

Sa mundo ng education, sumasabay ito sa pagmo-modern ng technology. Mas dumadami ang courses, tumataas ang level ng subjects, at dumadami ang demand ng mga companies na maka-equip ng professionals na graduate sa mga universities at colleges. Dahil dito, mas kinakailangan ng mga schools na maihanda ang mga students sa future. Sa kasalukuyan, ang mga schools ay updated na din at may mga online courses na silang available. Karamihan naman ay gumagamit na ng online enrolments at student records. Lahat ng mga ito, IT ang backbone, kung mas kailangan ng schools, teachers at universities ang pagmodernize ng kanilang system ay mas kailangan ng students ang modern technology sa education para sa kanilang kinabukasan sa Information Technology.

Kung estudyante ka, at nagbabalak mag-enroll at matuto about Information technology, ipag-patuloy mo lang ang pagbabasa hanggang sa katapusan para mas maging malinaw sa iyo ito. Samantala, narito ang maaari nyong maging gabay at reference kung anong kurso ang nais o dapat ninyong pasukin.

Courses in the Philippines related to Computer and Technology (as of 2016)

1. Bachelor of Science in Computer Science (BSCS)
2. Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) or (BSICT)
3. Bachelor of Science in Information Systems (BSIS)
4. Bachelor of Science in Computer Engineering (BSCpE)
5. and more...
linux4beginnersph - basic linux training course tagalog


Information Technology in Business
Kung nag-aaral ka sa mga nasabing computer courses, ang ibig sabihin nito ay dapat handa ka sa tunay na mundo ng information technology. Ang iyong pag-aaral o napag-aralan ay unang hakbang upang mai-apply mo ito sa rapid changing world of information technology. Actually, kahit anong kurso pa ang inyong pinag-aaralan ay may kinalaman lahat ito sa information technology lalo na sa mundo ng business.
Ang mundo ng business ay napakabilis magbago, ay nagbago ito ng sobra dahil sa information technology. Using computers and softwares, kinakailangan ng mga companies na mapatakbo, mapanatili at mai-secure ang kanilang business.

Areas of Information Technology that can help students decide which course fits for them.

Hindi po ito mga courses, ito po ay ang mga fields at areas (Ayon sa Illinois Institute of Technology) na maaaring puntahan ng mga courses, like BSIT, BSCS, BSComEng, BSIE, BSECE, BSBA at iba pang computer and technology courses.

1. CYBER, SYSTEM AND NETWORK SECURITY AND FORENSICS
Ito ay ang specialization na naka-focus sa application, data, and network security and the management of information technology security.
2. DATA CENTER OPERATIONS AND MANAGEMENT
Kung saan ang mga estudyante ay mae-equip sa kaalaman at maihanda sila sa career in data center operations.
3. DATA MANAGEMENT AND ANALYTICS
Dito ang design, development and administration of data resources to improve traditional and Internet-based data management including the use of predictive modeling and “Big Data” samples and populations to solve complex real-world problems
4. DIGITAL SYSTEMS TECHNOLOGY AND EMBEDDED SYSTEMS
Design and production of digital applications, intelligent devices, embedded systems and smart technologies used for sophisticated operations in business and industry.
5. IT ENTREPRENEURSHIP AND MANAGEMENT
Managerial, entrepreneurial and innovation skills needed to launch and maintain a new enterprise
6. MANAGEMENT INFORMATION SYSTEMS
Design and creation of information systems that management can use to make organizations more efficient and effective
7. NETWORKING, INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY
This specialization focuses on network applications and management.
8. SOFTWARE DEVELOPMENT
This specialization focuses on programming and the development of sophisticated applications.
9. SYSTEM ADMINISTRATION
This specialization focuses on the administration and management of servers.
10. SYSTEMS ANALYSIS
This specialization focuses on the administration and management of servers.
11. WEB DESIGN AND APPLICATION DEVELOPMENT
Design and development of fully-interactive websites and online applications for Internet deployment
12. GENERAL COURSE OF STUDY
Ideal for undecided students; start general and determine a specialization later

Sa mga career path na ito, maaaring hindi mo ma maunawaan pero need dito ang research and pagkakaroon ng career advice sa mga professors, friends and blogs.

Susunod naman dito ang Career vs Passion, paths that you need to assess and determining your goals. 

Kung sa tingin mong nakatulong ako sayo, please like and share this sa friends and family mo.